Unang araw ng Trump-Kim Summit, naging matagumpay!

*“A very special relationship”*

Ito ang paglalawaran ni U.S. President Donald Trump sa kanila ni North Korean Leader Kim Jong Un kasabay ng kanilang summit sa Vietnam.

Sina Trump at Kim ay nagkaroon ng 20-minutong one-on-one chat bago sila umupo para sa isang dinner kasama ang iba pang matataas na opisyal ng Amerika at North Korea.


Ayon kay Trump – satisfied siya sa usad ng denuclearization talks.

Plano ng dalawang lider na pumirma sa isang “joint agreement” pagkatapos ng kanilang pag-uusap na ipagpapatuloy ngayong araw.

Iginiit ni Trump na ipinaglalaanan niya ng oras at effort ito upang hikayatin ang North Korea na isuko ang nuclear weapons kapalit ang peace and development.

Nakatakdang magkaroon ng serye ng meetings ang dalawang lider ngayong araw sa Metro Pole kabilang ang one-on-one session na magtatagal ng 45-minuto.

Facebook Comments