UNANG ARAW NG UNDAS SA LUNGSOD NG CAUAYAN, PEACEFUL AYON SA POSD

Walang naiulat o naitala ang pamunuan ng Public Order and Safety Division (POSD) Cauayan na anumang krimen o untoward incidents sa unang araw ng paggunita ng Undas.

Ayon kay POSD Chief Pilarito Pitok Mallillin, naging maayos at payapa ang selebrasyon ng All Saints Day sa lahat ng mga pampubliko at pribadong sementeryo sa Lungsod.

Bukod dito ay wala rin aniya silang nakumpiska at nasita na lumabag sa mga ipinagbabawal sa loob ng sementeryo.

Samantala, naging maayos din ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan at sa mga kalsadang papasok sa mga sementeryo sa tulong na rin ng mga kawani ng BFP, PNP, opisyal ng barangay at iba pang force multipliers na nakatalaga sa iba’t-ibang bahagi sa Lungsod.

Facebook Comments