Unang araw ng vaccination para sa edad 5-11 sa Skydome vaccination site sa QC, dinagsa

82

Dinagsa ang unang araw ng vaccination para sa edad 5 hanggang 11 taon sa SM North Skydome sa lungsod ng Quezon.

Ito’y sa kabila ng inihaing petisyon ng dalawang magulang na humihiling sa QC-Regional Trial Court (RTC) na itigil ang pediatric vaccination para sa nabanggit na age category.

Ayon kay Dra. Karen Gemma See, District 1 Health Officer ng QC Health Office, hindi sila nahirapang bakunahan ang naturang age group.


Nag-effort umano ang mga vaccinee na mag-book o register online sa QC Local Government Unit (LGU) para matiyak na sa first day ay agad na silang mabakunahan.

Dagdag pa ni Dra. See na nakatulong ang kanilang mga isinagawang lectures sa mga komunidad sa agresibong paghahatid ng information hinggil sa kahalagahan ng vaccination kontra COVID-19.

Simula bukas ay tatanggap na rin ng mga walk in sa Skydome vaccination sites.



Facebook Comments