Gagamitin na ni 1LT. Jul Laiza Mae Camposano-Beran ang pinakabagong FA-50 fighter jet ng Philippine Air force (PAF).
Ayon ka PAF Spokesperson Col. Maynard Mariano, kailangan nalang makumpleto ni 1LT. Camposano-Beran ang 300 oras na pagsasanay para maipasa ang evaluation upang maka-lipat sa FA-50 mula sa AS-211.
Sa katunayan aniya ay lumipad na si Camposano-Beran bilang back-seat pilot ng FA-50, at may combat experience narin dito.
Pero sa ngayon aniya ay sa AS-211 muna siya magsasagawa ng mga combat missions.
Paliwanag ni Mariano ang AS-211 ang armadong version ng S-211 trainer aircraft na kalimitang ginagamit ng Air Force sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea.
Si 1Lt. Camposano-Beran, na kasalukuyang nakatalaga sa 5th Fighter Wing sa Basa Airbase Pampanga, na miyembro ng Philippine Military Academy Class of 2015.