UNANG BAGYO SA 2018 | Binabantayang LPA, posibleng maging bagyo ngayong araw

Manila, Philippines – Walang pang direktang epekto sa bansa ang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa layong 545 kilometro, silangan ng Surigao City.

Inaasahang magiging bagyo ang LPA na tatawaging ‘Agaton’.

Posible itong maglandfall sa eastern Visayas o eastern Mindanao.


Dahil dito, asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Bicol Region, Visayas at Mindanao habang papalapit ang sama ng panahon.

Kasabay nito, ang hanging amihan ay magdadala ng pag-ulan sa hilaga at gitnang Luzon partikular sa Cagayan Valley, Aurora at Cordillera.

Ang tail-end of cold front naman ay may pag-ulang dala naman sa silangang bahagi ng katimugang luzon.

Ang metro manila at natitirang bahagi ng luzon ay magiging maaliwalas ang panahon.

Baguio – 13°c
Tagaytay – 21 °c
Metro Manila -22°c

Facebook Comments