Unang batch ng ASF vaccine na binili ng DA, darating na sa susunod na linggo

Nasa 10,000 doses ng bakuna laban sa African Swine Fever (ASF) ang inaasahang darating sa susunod na linggo.

Ito ay kasunod ng emergency procurement ng Department of Agriculture (DA) sa ASF vaccine upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang bakuna ay ibibigay ng libre ng gobyerno sa mga apektadong lugar partikular na sa mga nasa red zones na mataas ang kaso ng ASF.


Sa ngayon ay walong mga bayan pa rin sa Batangas ang mayroong bagong kaso ng ASF kung saan nagpapatupad ng farm-based lockdown.

Inaasahan naman na sa huling quarter ng taon ay mabibili na ang 600,000 doses na gagamitin para sa rollout ng malawakang pagbabakuna sa iba pang lugar sa bansa.

Facebook Comments