Inaasahang matatanggap na ng pribadong sektor ang unang batch ng bakuna ng AstraZeneca sa kalagitnaan ng Hunyo.
Ayon kay Presidential Adviser Joey Concepcion, manggagaling ang 17 milyon doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Thailand habang matatanggap naman ang kabuuan nito hanggang sa katapusan ng taon.
Bukod sa AstraZeneca, nakakuha na rin ang pribadong sektor ng Covaxin, Novavax at Moderna na nakalaan para sa mga economic frontliners.
Nakipag-ugnayan na rin ang pribadong sektor sa kompanyang Zuellig upang tumulong na maipamahagi ang AstraZeneca at Moderna vaccines.
Facebook Comments