Unang batch ng bivalent COVID vaccines, dadating na sa susunod na buwan

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na dadating na sa papasok na buwan ang unang batch ng bivalent COVID-19 vaccines.

Ayon kay Health OIC Maria Rosario Vergeire, ikatlo at huling linggo ng Marso dadating sa bansa ang naturang mga bakuna.

Ang mahigit isang milyong doses ng bivalent vaccines na dadating sa bansa ay gagamitin muna sa “most vulnerable” population.


Nilinaw naman ng DOH na dapat may pagitan na apat hanggang anim na buwan ang pagturok nito mula sa pinakahuling COVID vaccine o booster shot.

Samantala, nilinaw naman ng DOH na mayroon silang kinontratang third-party logistics para mag-dispose ng mga nag-expire na bakuna kontra COVID-19.

Layon aniya nito na magiging maayos ang ligtas ang pagtapon sa mga bakuna.

Facebook Comments