Unang batch ng COVID-19 na binili ng Pilipinas mula China, darating sa bansa ngayong araw

Matatanggap na ng Pilipinas ngayong araw ang unang batch ng COVID-19 vaccines na binili ng pamahalaan mula sa China.

Inaasahang pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang welcoming ceremony ng pagdating ng isang milyong doses ng CoronaVac vaccines mula sa Chinese vaccine manufacturer na Sinovac Biotech.

Gaganapin ang seremonya sa Villamor Airbase sa Pasay City.


Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang CoronaVac ang unang brand ng COVID-19 vaccines na binili ng pamahalaan na ipadadala sa bansa.

Binayaran aniya ng gobyerno ang 15% ng ₱700 million total procurement price ng CoronaVac vaccines.

Ang natitirang 85% ay babayaran kapag nakumpleto na ang delivery.

Sa Abril, mayroong dalawang milyong bakunang bibilhin ng pamahalaan mula sa Sinovac.

Ang procurements na ito ay bahagi ng 25 million vaccine doses na nabili ng gobyerno mula sa Sinovac.

Kapag dumating ang isang milyong CoronaVac shots, inaasahang aabot sa 2.5 million ang kabuuang vaccine supply sa bansa.

Nasa 98% ng total vaccine supply ay naipadala na sa iba’t ibang ospital sa buong bansa.

Facebook Comments