Dumating na sa bansa nitong linggo ang unang batch ng Filipino repatriates mula sa Ethiopia.
Sa tulong ito ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Nasa 17 Overseas Filipinos Workers (OFWs) ang dumating sa bansa na nagmula sa Addis Ababa, Ethiopia lulan ng EgyptAir.
Kabilang sa mga pasahero ay apat na bata at isang sanggol na Pilipino.
Mula Addis Ababa, lumipad ang grupo patungong Cairo at mula Cairo nag-connecting flight sila patungong Manama, Bahrain bago tumuloy sa Maynila lulan ng Gulf Air.
Naging mandatory ang repatriation ng mga Pilipino mula Ethiopia dahil sa pagkakalagay nito sa Alert Level 4 dahil sa tumitinding kaguluhan at karahasan.
Nagsisikap naman ang Philippine Embassy sa Cairo, Egypt na mailikas ang iba pang Pilipinong nasa bansa.