Unang batch ng K9 units, nai-deploy na sa mga pangunahing airport

Photo Courtesy: Dept. of Agriculture Sec. Manny Piñol//Facebook

Nai-deploy na ng Department of Agriculture (DA) ang unang batch ng K9 units sa mga pangunahing paliparan ng bansa.

Ito ay bilang bahagi ng pinaigting na hakbang upang proteksyonan ang babuyan ng bansa laban sa mapaminsalang African swine flu virus (ASF).

Hiniling na rin ng DA kay Transportation Secretary Arthur Tugade na atasan ang mga kumpanya ng airlines na galing sa mga bansa na apektado ng ASF virus na mag-isyu ng  advisories sa mga pasahero para ipagbawal ang pagbitbit ng anumang meat products.


Photo Courtesy: Dept. of Agriculture Sec. Manny Piñol//Facebook

Maging ang mga kumpanya ng cargo ay inatasan na rin na huwag tumanggap ng mga cargo shipments na naglalaman ng mga pork at pork-based processed products.

Humiling na rin ang DA ng dagdag na mga X-Ray machines para matiyak na dadaan sa pagsusuri ang lahat ng bagahe ng mga pasahero.

Photo Courtesy: Dept. of Agriculture Sec. Manny Piñol//Facebook

Mas hinigpitan din ang quarantine efforts ng DA-Bureau of Animal Industry (BAI) quarantine service dahil sa patuloy na paglapit ng mga bansang infected na ng ASF tulad ng China at iba pang Asian countries.

Facebook Comments