Nagsipagtapos na ang nasa labing-isang Drug Reformist sa bayan ng Manaoag sa ilalim ng Balay Silangan Reformation Program matapos ang kanilang isang buwang rehabilitasyon.
Sumailalim ang mga ito sa mga aktibidad na nakapaloob sa nasabing programa tulad ng para sa sikolohikal, ispiritwal at mga pisikal na pagsasanay.
Naipagkaloob din sa mga ito ang mga benepisyo nang isinagawang mga counseling sessions, values formation at personal and life skills.
Kalakip nito ang pagkakataong mapag-aralan ang iba’t-ibang kasanayan sa ilalim ng TESDA.
Matatandaang inilunsad ang Balay Silangan Reformation Program bilang pagbibigay pagkakataon sa mga small drug offenders na muling magkaroon ng bagong buhay sa pamamagitan ng pagpasok sa nasabing komprehensibong rehabilitasyon. |ifmnews
Facebook Comments