Unang batch ng mga OFW na nag-avail ng amnesty program ng UAE, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang first batch ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na sumailalim sa on-going Amnesty Program ng United Arab Emirates (UAE).

Sila ay binubuo ng 61 OFWs at dalawang bata mula sa Abu Dhabi at Dubai.

Ang naturang mga OFW ay tumanggap naman ng financial assistance mula sa Pamahalaan.


Tatanggap din sila ng reintegration services at pangkabuhayan mula sa gobyerno.

Facebook Comments