Unang batch ng mga Pilipino mula Wuhan City, nasa quarantine zone na sa New Clark City

Dumating na sa New Clark City sa Capas, Tarlac ang unang batch ng mga Pilipinong inilikas mula Wuhan, China, ang ground zero ng 2019 novel coronavirus (nCoV) outbreak.

Alas otso y medya nang dumating sa quarantine facility area ang 30 pinoy na kinabibilangan ng isang sanggol.

Sasailalim sila ang 14-day quarantine period.


Alas siyete kaninang umaga nang lumapag sa Clark International Airport ang sinakyang eroplano ng mga pinoy.

Facebook Comments