Unang batch ng mga Pilipinong inuwi sa bansa mula Afghanistan, naka-isolate na

Nasa isolation facility na ang unang batch ng mga Pilipinong dumating sa bansa mula Afghanistan.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Overseas Workers Welfare Association (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac na bibisitahin niya ngayong araw ang higit 30 Pinoy na sumasailalim ngayon sa kanilang 10-day quarantine period.

Kinumpirma rin ni Cacdac na may ilang Pilipino na unang dinala sa Qatar ang hindi nakasabay pauwi sa Pilipinas dahil nagpositibo sa COVID-19.


Samantala, hindi nakalapag kagabi sa Kabul Airport ang eroplano ng Philippine Airlines na susunod sana sa 80 Pinoy na naiipit sa kaguluhan sa Afghanistan.

Ito ay dahil dagsa pa rin sa paliparan ang libu-libong Afghan na nag-aabang din ng flights palabas ng kanilang bansa.

Facebook Comments