Unang batch ng mga procured Pfizer vaccines, posibleng sa 4th quarter pa ng taon dumating

Inaasahang sa 4th quarter pa ng 2021 dadating sa bansa ang mga biniling bakuna mula sa Pfizer.

Ayon kay NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., hindi pa kasi nalalagdaan sa ngayon ang supply agreement para sa Pfizer.

Nabatid na ang dumating na 193,000 doses ng Pfizer kamakailan ay mula sa donasyon ng COVAX Facility sa Pilipinas.


Matatandaan nitong weekend dinumog ang isang mall sa Parañaque City makaraang mabalitaan ng publiko na magkakaroon ng pagbabakuna doon ng Pfizer.

Lumalabas sa mga pag-aaral na nasa 95% ang efficacy rate ng Pfizer.

Facebook Comments