Inaasahang sa 2nd quarter ng 2021 ang dating ng unang batch ng 20M doses ng Moderna COVID-19 vaccines sa bansa.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na posibleng sa unang linggo ng Mayo o hanggang Hunyo makadating ang mga bakuna sa Pilipinas.
Sinabi pa ni Romualdez na ang mga bakuna ay funded ng private sector at ng World Bank at by batch ang dating nito sa bansa.
Paliwanag pa ni Romualdez, ang kalahati nito ay laan para sa pribadong sektor habang ang kalahati ay para sa health workers at Local Government Units (LGUs).
Napatunayang umaabot sa 94% ang efficacy rate ng Moderna.
Facebook Comments