Unang batch ng Moderna vaccines, darating sa bansa bukas – Dizon

Nakatakdang dumating sa bansa bukas ang first shipment ng Moderna COVID-19 vaccines.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon, manggagaling ang Moderna vaccines mula sa Estados Unidos.

Ibabahagi aniya ang mga bakuna sa pribadong sektor.


Aniya, dumarami ang supply ng bakuna ng bansa dahil sa pagtutulungan ng gobyerno at ng pribadong sektor.

Pagtitiyak ni Dizon na itataas pa nila ang vaccinations kada araw.

Facebook Comments