Unang batch ng National ID cards, ide-deliver ngayong linggo – PSA

Inaasahang darating ngayong linggo ang unang batch ng Philippine ID (PhilID) cards na inimprenta ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang Philippine Postal Corporation (PHLPost), ang official delivery partner sa Philippine Identification System (PhilSys) ang siyang maghahatid ng ID cards sa mga Filipino registrants na natapos ang Step 1 at Step 2 registration.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Civil Registrar General at National Statistician Undersecretary Dennis Mapa, ikinagagalak nila na nasimulan na ang production ng cards at pagpapatakbo ng mga makina at proseso.


Ang susunod nilang hakbang ay tiyaking nasa mabuting kondisyon ang mga makinang ginagamit para malaman kung gaano kalaking volume ng susunod na batch ng PhilID ang gagawin at ipapadala.

Ang initial phase ng card production at personalization ay nakagawa ng kabuoang 956 PhilIDs na nakapaloob sa isang sobre.

Ang sobre ay naglalaman sulat na may kasamang ng PhilSys Number at ang physical card.

Pinayuhan ng PSA ang mga registrants na huwag iwala ang sulat at gamitin ang PhilSys Card Number na matatagpuan sa PhilID kapag nakikipagtransaksyon.

Ang unang batch ng PhilIDs ay ipapadala ng PHLPost sa mga registrants mula sa iba’t ibang siyudad at probinsya sa bansa, kabilang nag Metro Manila, La Union, Ilocos Sur, Nueva Ecija, Bulaca, Pampanga, Rizal, Cavite, Iloilo, Bacolod, Albay, Bohol, Masbate, Capiz, Negros Oriental, Cebu at Davao.

Facebook Comments