Dumating na sa Darwin, Australia ang initial batch ng Philippine Air Force na lalahok sa Pitch Black Military Exercise 2024.
Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo, inihatid ng Royal Australian Air Force ang Philippine contingent sakay ng KC-30 aircraft.
Lulan naman ang mga dala nilang kagamitan ng C-130 aircraft ng Royal Australian Air Force gayundin ng C-295 aircraft ng Philippine Air Force.
Ani Castillo, anumang araw ay inaasahang darating ang main contingent ng Pilipinas.
Ang Pitch Black 2024 ay ang pinakamalaking Australian at International military exercise kung saan tampok ang paglahok ng nasa 20 bansa kabilang na ang Pilipinas.
Magsisimula ang exercise sa July 12 at tatagal ng hanggang Aug. 2 na kapapalooban ng wide range tactical flying at large scale operational collective training activities.
Matutunghayan dito sa kauna-unahang pagkakataon ang paglahok ng mga FA-50 fighter jet ng Air Force sa isang international exercise.