Unang batch ng sampung nars na tutulong sa mga ospital, na-i-deploy na

Nai-deploy na kahapon ang unang batch ng sampung nars ng Philippine National Police (PNP) Health Service na tutulong sa mga ospital sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Pinangunahan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang send-off sa Camp Crame kahapon.

Nilagdaan din kahapon ang memorandum of agreement sa pagitan ng PNP at Department of Health (DOH), batay na rin sa utos ng Pangulong Duterte sa PNP at Armed Forces Philippines (AFP) na mag-deploy ng mga medical personnel sa mga pribado at pampublikong pagamutan.


Ayon kay DOH-National Capital Region Director Gloria J. Balboa, kulang ang kasalukuyang manpower ng mga ospital para tumugon sa mga pangangailangan ng mga COVID patient, kaya malaki ang kanilang pasasalamat sa PNP.

Facebook Comments