Unang batch ng shoe box project ng DZXL 558 Radyo Trabaho at RMN Foundation Inc., ihahatid na sa mga maswerteng batang lansangan sa Maynila ngayong araw

Naghahanda na ang DZXL 558 Radyo Trabaho at RMN Foundation Inc para sa unang batch ng ating Shoebox Project.

Handog ito ng RMN Makakarating Ngayong Pasko, Christmas Thanksgiving Activity.

Pasasayahin natin ngayong araw ang mga batang lansangan sa Childhope Philippines Foundation, Inc. sa Ermita, Manila.


Nasa 50 shoebox ang ipapamahagi na may lamang snacks, school supplies at personal hygiene products.

Ang RMN Makakarating Ngayong Pasko: The RMN Christmas Thanksgiving Activity ay hatid ng RMN Networks, RMN Foundation Inc, 93.9 iFM at inyong DZXL 558 Radyo Trabaho.

Nagpapasalamat rin tayo sa Metrobank na pangunahin nating nakatuwang sa proyektong ito gayundin ang Inner Wheel Club of Las Piñas & Environs at Las Piñas Dental Chapter.

Sa susunod na linggo, abangan ninyo ang 93.9 iFM Manila Team sa Bacoor City, Cavite para ituloy ang paghahatid ng saya sa ating RMN Makakarating ang Pasko Giftgiving Project.

Facebook Comments