Unang batch ng Sputnik V, darating na ngayong hapon!

Inaasahang darating na ngayong hapon ang first batch ng anti-COVID vaccine na Sputnik V mula sa Gamaleya ng Russia.

Ayon kay COVID-19 Testing Czar Secretary Vince Dizon, matapos ang pagkaantala ng pagdating ng 15,000 doses ng Sputnik V noong isang araw, inaasahang darating na mamayang alas-5:00 ng hapon ang eroplanong sakay ang nasabing bakuna.

Dahil sa problema sa logistic tulad ng walang direct flights at required storage facility kaya hindi nakarating noong Huwebes ang Sputnik V.


Kinakailangang kasing naka-store sa hindi tataas sa -18 degree celsius upang hindi masira ang bakuna.

Facebook Comments