Unang batch ng street children na sumailalim sa Drug Abuse Resistance Education sa Maynila, nagtapos na

Manila, Philippines – Katatapos lamang sumailalim ng unang batch ng mga street children sa Maynila sa Drug Abuse Resistance Education (DARE) na ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng lungsod, kung saan mismong mga tauhan ng Manila Police District ang tumayong mga guro para sa naturang programa.

Sa isinagawang recognition ceremony kaninang umaga, sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na malaking hakbang ito upang mailayo ang mga kabataan sa bisyo, at nang mabigyan rin sila ng pagkakataong iaangat ang kanilang sarili.

Ayon kay Estrada, magandang simula ang programang ito dahil naimumulat ang mga kabataan, at naipaiintindi sakanila ang kahalagahan ng pagaaral. Aniya, maaari namang makapagaral ang mga street children sa Maynila dahil libre naman ang matrikula sa lungsod maging ang mga kagamitan sa pagaaral.


Ang DARE program ay nagmula pa sa Estados Unidos at unang dinala dito sa bansa taong 1993, kung saan higit 1 milyong kabataan na ang naturuan.

Facebook Comments