Unang bugso ng tulong pinansyal ng Makati City para sa drivers ng pampublikong sasakyan, umabot na ng P16.7M

Inihayag ng Iokal na pamahalaan ng lungsod ng Makati na umabot ng 16.7 milyong piso ang kabuuang halaga na naipamigay sa unang bahagi ng tulong pinansyal nito sa mga driver ng pampublikong sasakayan nanawalan ng trabaho dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine o ECQ.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay kabilang dito ang nasa 1,826 rehistradong miyembro ng Makati Jeepney Operators and Drivers Association o JODA, 5,952 rehistradong tricycle drivers, at 598 pedicab  drivers ng lungsod.

Sa kabuuang meron 8,376 na mga drivers ang naka rehistro sa Makati City Government.


Samantala, sa ikalawang bugso ng tulong pinansyal ng lungsod para sa mga displaced drivers, muli silang makakatanggap ng tig 2000 pesos.

Pero ayon sa alkade, dadaan na ito sa contactless release, ibig sabihin dederetso ang nasabing halaga sa mga e-wallet ng kanilang Makatizen Card.

Para naman sa hindi pa Makatizen Cardholder, itatransfer naman ang cash grant sa pamamagitan ng G-Cah.

Paliwag ng Alkade ang paggamit ng electronic payment platform ay para masunod pa rin ang soscial distancing.

Facebook Comments