Unang bugso ng umento sa sahod ng mga government workers, maaaring masimulan na ngayong buwan – DBM

Good news para sa mga kawani ng pamahalaan dahil epektibo na simula ngayong buwan ang unang bugso ng umento sa sahod ng mga government workers.

Ito ay matapos magbigay ng go signal ang Department of Budget and Management (DBM) sa mga ahensiya ng gobyerno na ibigay na ang dagdag-sahod sa kanilang mga kawani.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, pirmado na ang guidelines para sa salary increase adjustments sa hanay ng mga manggagawa sa mga tanggapan ng pamahalaan.


Bukas naman inaasahang mailalathala na ang guidelines at kasunod nito ay pwede nang ipatupad ang unang tranche ng salary increase.

Pagdating naman sa pondong gagamitin, huhugutin muna ito sa personnel services budget ng mga ahensiya at kung kulang ay dadagdagan na lang mula sa miscellaneous personnel benefits fund.

Sa ngayon, nakadepende na lang daw sa bilis magproseso ng mga Human Resources department ng bawat ahensiya kung kelan magiging epektibo ang unang bugso ng dagdag-sahod sa mga manggagawa.

Facebook Comments