
Cauayan City – Isang hakbang ang inihahanda ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela matapos ihayag ang plano para sa kauna-unahang Cancer Center sa lalawigan, na itatayo sa Isabela State University – Echague Campus.
Bilang representative ng pamahalaang panlalawigan, nakipagpulong si Vice Governor Kiko Dy kay Department of Health Secretary Ted Herbosa upang iprisinta ang proyekto na layong mailapit ang dekalidad na serbisyong medikal sapara sa mga pasyenteng may cancer.
Magiging sentro ito para sa comprehensive cancer care, kabilang na ang diagnostics, treatment, chemotherapy, at supportive services.
Layunin nitong mapalapit ang de-kalidad na care sa mga pasyenteng Isabeleno para hindi na kailangang bumiyahe hanggang Metro Manila o malalayong ospital.









