UNANG CENTRALIZED MEDICAL OXYGEN SYSTEM SA ILOCOS NORTE, INILUNSAD NG DOH REGION 1

Inilunsad sa Ilocos Norte ang kauna-unahang Centralized Medical Oxygen System, na naglalayong palakasin ang serbisyong pangkalusugan sa mga ospital ng probinsya.

Ipinagkaloob ng Ilocos Center for Health Development ang Medical Oxygen Automatic Gas Manifold at Vacuum System na may Central Piping, na nag-aalis ng manu-manong paghahawak ng oxygen tanks at nagbibigay ng tuloy-tuloy na suplay ng oxygen para sa mga pasyente.

Ang sistema ay itinuturing na mahalagang hakbang upang itaas ang antas ng kaligtasan ng mga pasyente at kalidad ng serbisyong pangkalusugan sa buong probinsya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments