Unang command conference sa hanay ng PNP kasama si DILG Sec. Remulla, kasado na ngayong tanghali

Nagsimula na ang unang command conference sa hanay ng Philippine National Police (PNP) kasama si bagong Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla.

Inaasahang tatalakayin dito ng PNP sa bagong DILG secretary ang mga umiiral na panuntunan sa promosyon at re-assignment sa mga opisyal ng pulisya.

Maaalalang isa sa gustong ipatupad ni Remulla na structural reforms ang alisin ang pulitika sa Pambansang Pulisya.


May mga bagay pa aniyang kailangang ayusin sa hanay ng PNP partikular na pagdating sa promosyon ng mga pulis na kadalasan ay palakasan umano ang nangyayari.

Ayon naman sa PNP, may existing policies sila upang matiyak na walang ‘palakasan system’ sa kanilang organisasyon.

Facebook Comments