Idineklara na ng Chile’s Armed Forces ang kauna-unahang coronavirus outbreak sa Chilean Base sa kontinente ng Antarctica na tinaguriang huling kontinente sa mundo na COVID-19 free.
Ayon sa Chile’s Military, umabot sa 36 katao nahawaan ng COVID-19 kabilang na ang 26 army personnel at 10 sibilyan na pawang naka-base sa Bernardo O’ Higgins.
Kasabay nito, tiniyak ng health authorities ng Chilean Patagonia ang mahigpit na pagbabantay sa kanilang nasasakupan na isinailalim na sa quarantine restrictions.
Matatandaang naitala ang unang kaso ng COVID-19 sa Antarctica noong kalagitnaan ng Disyembre matapos magkasakit ang dalawang sundalo.
Facebook Comments