CAUAYAN CITY- Maayos at mapayapa ang unang dalawang Linggong pasukan ng mga mag-aaral sa West Tabacal Region National High School.
Sa panayam ng IFM News Team kay Secondary Principal IV Primitivo Gorospe, nananatiling sapat ang pasilidad sa kanilang paaralan katulad ng learning materials, guro, silid-aralan, at mga upuan.
Aniya, ngayong school year ay may 795 enrolled students sa West Tabacal Region National High School kung nadagdagan na rin ang section mula dalawampu’t dalawa ay naging dalawampu’t-tatlo na.
Dagdag pa niya, bahagyang nabawasan ang mga enrollees sa Senior High dahil limitado lamang ang Academic Tracks na kanilang iniaalok sa paaralan.
Facebook Comments