Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na wala pa ring supply ng kuryente ang unang distrito ng Lanao del Sur.
Ito ay binubuo ng labing-limang munisipalidad na kabilang sa apektado ng bakbakan sa Marawi City.
Sa kabilang dako, isang daang porsyento nang may supply ng elektrisidad ang ikalawang distritio ng Lanao del Sur na binubuo naman ng labing-anim na munisipalidad.
Una nang kinumpirma ng Dept. of Energy na sinisikap pa rin nilang maibalik ang supply ng kuryente sa nga kritikal na bahagi ng Marawi City.
Sa ngayon kasi ang may supply pa lamang ng kuryente ay ang Provincial Capitol, Amai Pakpak Medical Center, Brigade-Campo Ranao-AFP Camp, Barangay Saber at bahagi ng Barangay Matampay.
DZXL558, Joyce Adra
Facebook Comments