Mabisa laban sa COVID-19 symptomatic infection sa loob ng tatlong buwan ang unang dose ng COVID-19 vaccine na dine-develop ng Oxford University at AstraZeneca.
Batay sa pag-aaral ng Oxford, ang findings sa pre-print paper, na hindi pa dumadaan sa peer-review ay sumusuporta sa desisyon ng Britain na palawigin ang interval sa pagitan ng initial at booster doses sa 12 linggo.
Welcome para sa AstraZeneca ang hakbang na ito dahil ang pagpapahaba ng time interval sa pagitan ng doses ay best strategy.
Ang resulta ay kinalap mula sa mga isinagawang trials sa Britain, Brazil, at South Africa, kung saan nagbibigay ang unang dose ng proteksyon sa mga naturukan nito ng mahabang panahon.
“Vaccine efficacy after a single standard dose of vaccine from day 22 to day 90 post vaccination was 76%, and modelled analysis indicated that protection did not wane during this initial 3-month period,” sabi ng Oxford.
Tataas naman sa 82.4% ang efficacy sa loob ng 12 linggo o higit pa para sa second dose.