Unang dose ng COVID-19 vaccine, natanggap ng mahigit 600,000 UK citizens mula sa Pfizer-BioNTech

Nakatanggap ng unang dose ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer and BioNTech pharmaceutical companies ang mahigit 600,000 UK citizens.

Aabot sa 616,933 katao ang nabakunahan kabilang na ang 521,000 na indibidwal sa England, 56,000 sa Scotland, 22,000 sa Wales habang mahigit 16,000 naman sa Northern Ireland.

Ayon sa UK Ministry, sa paglipas ng linggo at buwan, posibleng tumaas ang rate ng pagbabakuna kung mas dadami ang magagamit na vaccine.


Facebook Comments