Unang dose ng COVID-19 vaccine ng Pfizer, 85% na epektibo!

Lumalabas ngayon na 85 percent na epektibo ang unang dose ng COVID-19 vaccine ng kompanyang Pfizer sa pagkalipas ng dalawa hanggang apat na linggo mula sa araw ng inoculation.

Ito ay batay na rin sa inilathalang pag-aaral sa Lancet Medical Journal kung saan lumahok sa survey ang healthcare workers sa pinakamalaking ospital sa Israel, na naglunsad ng mass vaccination campaign noong December 19, 2020 at naturingan bilang world’s fastest.

Naka-focus ang ulat ng Lancet sa mahigit 9,000 medical staff sa Sheba Hospital malapit sa Tel Aviv.


Nasa 7,000 ng mga ito ay natanggap na ang first dose ng bakuna habang ang iba naman ay hindi nabakunahan.

Mula sa grupo, 170 ang na-diagnose na may COVID-19 matapos isagawa ang pagsusuri sa mga nakaranas ng sintomas o sa mga nagkaroon ng contact sa mga carriers ng virus.

52% ng mga nagkasakit ang hindi pa nabakunahan.

Kung ikukumpara ang dalawang grupo, lumabas sa pagtatayan ng Sheba na 47% effective ang bakuna sa pagitan ng isa hanggang 14 na araw matapos ang inoculation habang tumaas naman ito sa 85% matapos ang 15 hanggang 28 araw.

Facebook Comments