Unang Gabi Ng Burol Ni Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr., Idinaos Sa Kanyang Bahay – Iba Pang High Profile Inmates Na T

21

ALBUERA, LEYTE – Idinaos ang unang gabi ng burol ni Albuera Mayor Rolando Espinosa, Sr. sa kanyang bahay sa Barangay Tinago, Albuera, Leyete.Sa unang araw, tanging ang mga kamag-anak at kapitbahay ni Espinosa ang dumalo.Tumanggi naman ang pamilya Espinosa na magpaunlak ng panayam sa media.Nauna nang ipinahayag kahapon ng Abogado ng pamilya na si Lanie Villarino na umanoy overkill ang nangyari matapos ilabas ang autopsy report sa bangkay ng Alkalde.Kaugnay nito, nangangamba na rin ngayon para sa kani-kanilang buhay ang labing apat pang testigo na hawak ng Albuera Police na pawang may kinalaman sa illegal drug trade sa Eastern Visayas.Nabatid na ang labing apat na testigo ay pawang nakapag-execute aniya ng affidavit na nagdadawit sa mahigit 80 Government Officials na sangkot o protektor ng kalakaran ng droga.

Facebook Comments