Unang ginto ng Pilipinas, nasungkit ni Mary Joy Tabal sa marathon sa 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia

SEA Games – Sa wakas may gintong medalya na ang Pilipinas sa Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Pinakain kasi ng alikabok ni Mary Joy Tabal ang kaniyang mga katunggali sa Women’s Marathon para makuha ang gold medal.

Agad kinuha ni Tabal, ang kauna-unahang Pinay na sumabak sa marathon ng Olympics, ang trangko at iniwan ang mga kalaban sa karera na ginanap sa Palace of Justice.


Dahil sa panalo ni Tabal may isang ginto, isang pilak at dalawang tanso na ang Team Pilipinas sa K-L SEA Games.

Facebook Comments