Wednesday, February 4, 2026

Unang impeachment complaint laban kay PBBM, hindi pa tiyak na mababasura

Binigyang diin nina Representatives Terry Ridon ng Bicol Saro Party-list at Joel Chua ng Maynila na hindi pa tiyak na mababasura ang unang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na inihain ni Atty. Andre de Jesus at inendorso ni Pusong Pinoy Party-list Rep. Jernie Jett Nisay.

Ito ay makaraang ilahad ng ilang miyembro ng House Committee on Justice na hindi sufficient sa substance ang unang reklamo laban sa pangulo.

Para kay Congressman Ridon, masyadong “premature” o maaga para isiping sigurado ng mababasura unang impeachment complaint laban kay President Marcos.

Diin naman ni Chua, nasa sampu lang sa 39 na mga miyembro ng komite ang nagsalita laban sa unang reklamo at ang iba ay nagmasid at nag-obserba lamang habang marami din ang mga dinaluhan pang ibang mga committee hearing.

Giit nina Ridon at Chua, mas makabubuting hintayin na lamang ang magiging resulta ng botohan ngayong araw ng mga miyembro ng komite kung sufficient in substance ang dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Marcos.

Facebook Comments