Unang inmate ng Bilibid na nagpositibo sa COVID-19, naka-confine na sa RITM

Kinumpirma  ng Bureau of Corrections (BuCor) na mayroon nang naitalang unang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon sa BuCor, ang lalaking Person Deprived of Liberty (PDL) patient ay mula sa NBP Medium Security Compound.

Sumailalim daw ito sa medical check up sa NBP Hospital noong Abri 17, 2020 at ini-refer sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).


Isinailalim agad ito sa Covid test at nang lumabas ang resulta ay positibo ito sa naturang virus.

Ang PDL ay naka-confine pa rin sa RITM habang tuloy-tuloy naman ang implementasyon ng anti-covid measure sa NBP.

Patuloy din ang tracing sa nakasalamuha ng naturang bilanggo.

Ang medical staff ng NBP na nag-asikaso sa PDL patient ay naka-quarantine na rin.

Facebook Comments