Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang launching ng kauna-unahang Mobile Soil Laboratory sa bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, walang babayaran ang mga magsasaka na seserbisyuhan ng laboratory sa unang isang taon ng operasyon nito.
Tinatayang nasa P38 million ang halaga ng pasilidad na ito na ibababa sa Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bulacan, Aurora, at Bataan, at mananatili sa mga probinsya, nang tig-dadalawanag buwan.
Sabi ng Pangulo layunin nitong mabigyan ang mga magsasaka ng angkop na kaalaman at teknolohiya na magagamit bilang siyentipikong pamamaraan ng pagsasaka.
Partikular sa lagay ng kanilang lupang sinasaka, tamang volume ng abono na kinakailangan ng lupa, at iba pang impormasyon na layong palakasin ang mga lupang sakahan.
Samantala, target naman ng pamahalaan na makapagdagdag pa ng 16 Mobile Soil Labs sa buong bansa pagdating ng 2025.