Unang kaso ng ASF sa Mindanao, naitala

Nakarating na sa Mindanao ang African Swine Fever (ASF).

Ito ay makaraang magpositibo sa ASF ang nasa 1,000 patay na baboy sa bayan ng Don Marcelino sa Davao Occidental.

Ito ang kauna-unahang kumpirmadong kaso ng ASF sa rehiyon.


Kaugnay nito, ipinag-utos ng lokal na panlalawigan ng Don Marcelino na paganahin ang Regional Animal Disease Task Force laban sa ASF.

Ipagbabawal na rin ang pagbiyahe ng mga alagang baboy at karne nito sa papasok o palabas ng munisipalidad.

Magsasagawa rin ng animal quarantine checkpoints sa lugar.

September 2019 nang maitala ang kauna-unahang kaso ng African Swine Fever sa bansa partikular sa Luzon.

Ayon sa Department of Agriculture – ang local outbreak ng ASF ay dahil sa mga smuggled pork products mula China.

Facebook Comments