Cauayan City, Isabela-Kinumpirma ng Batanes Provincial Government na nakapagtala na ang lalawigan ng kauna-unahang kaso ng Community transmission matapos magpositibo sa COVID-19 ang apat na residente ng Basco.
Sa ulat ng Provincial Government, itinuturing ng community transmission ang kaso sa kanilang probinsya dahil ang mga nagpositibo sa virus ay walang travel history o kasaysayan ng pagbyahe mula sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 virus.
Tatlo sa mga nagpositibong pasyente ay kasalukuyang naka-isolate sa Batanes General Hospital (BGH) habang ang isa naman ay nasa DA-BES R&D Building.
Puspusan na rin ang ginagawang contact tracing ng health cluster sa posibleng nakasalamuha ng mga pasyente.
Samantala, kinumpirma naman ng pamunuan ng Batanes General Hospital na maraming pasyente ang nagpopositibo sa antigen test kung kaya’t isinailalim ang mga ito sa RT-PCR test.