Unang kaso ng COVID-19 variant sa US, mahigpit na babantayan ng pamahalaan

Mahigpit na tututukan ng gobyerno ang pagkakaroon unang kaso ng bagong COVID-19 variant sa Estados Unidos.

Matatandaang natunton ang unang kaso ng COVID-19 variant sa Colorado.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, anumang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawalan ang mga biyahero galing ng US ay nakadepende sa rekomendasyon mula sa Health at Foreign Affairs Department.


Lumalabas na ang bagong variant ay mas nakakahawa kumpara sa original strain na nadiskubre sa United Kingdom.

Una nang nagpatupad ang pamahalaan ng travel restrictions sa UK at 19 na iba pang bansa kung saan nagkaroon na ng bagong variant hanggang January 15, 2021.

Facebook Comments