Unang kaso ng COVID Delta variant, Naitala sa Solano, Nueva Vizcaya

Cauayan City, Isabela- Inihayag ng Department of Health (DOH) Region 2 ang naitalang unang kaso ng COVID-19 Delta variant sa Solano, Nueva Vizcaya.

Ito rin ang kinumpirma ni Dr. Edwin Galapon, Provincial Health Officer.

Ayon kay Galapon, isang lalaki ang tinamaan ng delta variant subalit ito ay clinically recovered simula pa noong July 20.


Giit pa nito, walang kahit anumang kaparehong kaso ang mayroon sa lalawigan sa kasalukuyan.

Bukas,inaasahang magpupulong ang lokal na pamahalaan ng Solano para pag-usapan ang hakbang para maiwasan ang posibleng hawaan ng delta variant.

Facebook Comments