UNANG KASO NG DELTA VARIANT, NAITALA SA POZORRUBIO

POZORRUBIO, PANGASINAN – Naitala ng bayan ng Pozorrubio ang kauna-unahang kaso nito ng Delta Variant ng sakit na COVID-19.

Ito ay ayon sa inilabas na advisory ng Office of the Municipal Mayor kahapon, august 30, 2021 via Facebook na nagpapabatid sa lahat na bukod sa biglang paglobo ng kaso ng nakamamatay at nakakahawang virus sa lokalidad ay naitala na nga ang variant ng sakit na ito rito.

Muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan sa pagiingat ng lahat, at sa pagsunod sa mga minimum health and safety protocols, maging ng pag iwas sa social gatherings na kinokonsidera umanong virus super spreaders.


Pakiusap pa ng lgu na manatili na lang ang mga residente sa kani-kanilang mga tahanan at lumabas lamang dito kung kinakailangan.

Facebook Comments