Unang kaso ng Omicron Subvariant XBF sa bansa, natukoy ng DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapasok na sa bansa ang Omicron Subvariant XBF kung saan na-detect ang unang kaso.

Ayon sa DOH, ang Subvariant XBF ay iniuugnay sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Australia at Sweden.

Sa mga paunang pag-aaral, lumabas na marami sa antiviral treatment sa Australia laban sa COVID-19 ang hindi na epektibo sa multi-omicron subvariants sa kanilang bansa, kasama na ang XBF.


Ayon sa DOH, sa pamamagitan ng mga kasalukuyang mga ebidensya, hindi naman naiiba ang epekto at clinical manifestation ng XBF sa original na Omicron variant.

Natukoy din sa pinakahuling COVID-19 bio surveillance report na 2 bagong Omicron subvariant na XBB.1.5 ang natukoy.

Sa ngayon ay 3 kaso na ng XBB.1.5 ang naitala sa bansa.

Tinatawag ng mga eksperto na “kraken “ ang Subvariant XBB.1.5 dahil sa itinuturing na pinakamabilis na makahawa sa lahat ng COVID-19 subvariants.

Ang 2 subvariant ay tinukoy ng World Health Organization (WHO) bilang subvariant under monitoring.

Facebook Comments