Unang kumpletong set ng Philippine polymer banknotes, iprinesenta kay PBBM

Photo courtesy: Bangko Sentral ng Pilipinas

Iprinesenta ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kauna-unahang kumpletong set ng Philippine polymer banknote.

Matatandaang tanging ang one-thousand-peso bill pa lamang ang polymer na hawak ng publiko simula noong April 2022.

Pero ngayong hapon, tinanggap ni Pangulong Marcos maging 50, 100, at 500-peso bills.


Target ng BSP na maging available na ito sa sirkulasyon sa unang quarter ng 2025.

Layunin ng polymer bills na ito na panatilihing mas malinis, mas matibay, at mas mahirap pekein ang peso bills ng bansa.

Tampok sa polymer banknotes ang mayamang biodiversity at cultural heritage ng bansa o ang mga imahe ng native at protected species kasama ang tradisyunal na mga disenyo ng habi o weave designs.

May disenyo ng Palawan peacock-pheasant and Ceratocentron fesselii ang harap ng 100-peso bill.

Visayan leopard cat at Vidal’s lanutan naman ang nasa 50 pesos habang may disenyo ng Tubbataha Reefs Natural Park, South Sea pearl, at T’nalak weave design ang 1000 pesos.

500-piso: Puerto Princesa Subterranean River National Park, blue-naped parrot, at southern Philippine weave design.

100-piso: Mayon Volcano, whale shark, at Bicol Region weave design.

50-piso: Taal Lake, native maliputo fish, at Batangas embroidery design.

Facebook Comments