Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang mga paaralan na magsagawa ng pyschoscial support activities sa unang linggo ng pagsisimula ng klase.
Sinabi ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, ito ay upang masiguro ang mental health at well-being ng mga mag-aaral kasunod ng pagbabalik ng bansa sa in-person classes.
Sa pamamagitan nito ay matutulungan ang mga estudyante na masanay sa pag-attend sa face-to-face classes at mahikayat ang mga ito na makipagkapwa sa kanilang mga kaklase.
Kaugnay nito, sinabi ni Poa na sumailalim sa training ang mga guro noong nakaraang linggo upang hinggil sa pagsasagawa ng psychosocial support activities.
Mababatid na pinagbawalan ang pagsasagawa ng classroom setting sa pagsasagawa ng klase nang mahigit dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic at kailangang ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng modular, online, radio at TV learning.