Ipinakita na ang kauna-unahang gawang Pinoy na roll-on/roll-off o RoRo passenger ship sa bansa.
Malaki ang suporta ng Maritime Industry authority (MARINA) sa M/V Isal Samira na gawa ng Josefa Slipways Incorporated at Shogun Ships Corporation.
Ang M/V Isla Samira ay 488-seater passenger ship na mayroong rampa na 12 metro–pinakamahabang rampa na mayroon sa bansa.
May haba itong 72 metro, luwang na 16 metro, at marine evacuation system para sa agarang paglabas ng mga pasahero sakaling magkaroon ng problema ang barko.
Inaasahang maglalayag ito sa Hulyo ngayong taon.
Ang M/V Isla Samira ay bahagi ng 10-year Maritime Industry Development Plan (MIDP) ng gobyerno.
Hinihikayat naman ng MARINA ang mga lokal na shipbuilders at operators na pagbutihin pa ang kalidad ng mga ginagawang barko.