Unang locally transmitted case ng COVID-19 sa Taiwan, naitala matapos ang walong buwan

Kinumpirma ng Taiwanese government ang unang locally transmitted case ng COVID-19 makalipas ang halos walong buwan.

Ayon kay Health Minister Chen Shih-Chung, ang nagpositibong indibidwal ay na-expose sa kanyang kaibigan na infected na ng virus.

Dahil dito, 13 katao na ang sumailalim sa quarantine na pawang nakahalubilo ng nagpositibo sa sakit.


Sa kasalukuyan, nasa 766 lamang ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Taiwan kung saan 627 sa mga ito ang gumaling habang pito naman ang nasawi.

Facebook Comments